PustularPsoriasis

Ni: Dolritz Llego

Ang buni (ringworm) ay sakit sa balat na sanhi ng fungi. Nagkakaroon ng buni sa parte ng katawan na madalas pagpawisan katulad sa anit, balat at singit. Nakakahawa ang buni kagaya ng paliligo sa swimming pool at paghiram ng damit. Maaari ring mahawa ng buni ng mga alagang hayop kagaya ng aso, pusa at kabayo.

Kaya naman maaaring subukan ang natural na lunas laban sa buni. Maaaring gamitin ang hilaw na papaya at ipahid sa apektadong bahagi ng katawan, pwede rin ang buto ng mustasa o gumawa ng mustard paste lalo na sa buni sa ulo. Rekomendado ring gamot sa sakit sa balat ang langis ng niyog. Maigi rin na panatilihin ang kalinisan ng katawan at iwasan ang paghiram o pagpapahiram ng gamit upang maiwasan ang sakit sa balat

Pinagmulan ng imahe:  healthy-skin-guide.com