Edited-buntis 2

Magandang balita para sa mga babaeng gusto nang magkaanak dahil may mga pagkaing nakakatulong sa fertility, isa na dito ang saging na sagana sa vitamin B6. Nakakatulong rin ito sa mga lalaking kulang ang sperm count.

Rekomendado naman ang asparagus na siksik sa folic acid, nagpapalakas ito ng ovulation sa mga kababaihan. Super fertility food naman ang tahong at pagkaing dagat dahil meron itong B12 para maging normal ang estrogen levels at nakakatulong rin upang makaiwas na makunan.Ayon naman sa Yale University ang native eggs ay mayaman sa vitamin D at malaking tulong para sa mga babaeng gustong magkaanak. Kumain rin ng mga citrus fruits dahil sa vitamin C nito na nagbabalanse ng hormones ng mga babae.

Ni: Joy Quijano