mix10 and fruits edited

Ni: Joy Quijano

Ayon sa Stanford Center for Sleep Sciences and Medicine isa sa bawat sampung adults sa Estados Unidos ay nakakaranas ng insomnia. Karamihan sa mga may insomnia ay may short-term insomnia lamang ngunit ang mas malalang lebel ng hirap sa pagtulog ay tinatawag na chronic insomnia. Ang kakulangan sa tulog ay nakakaapekto sa kalidad ng buhay ng isang tao. Isa ang stress sa pangunahing sanhi ng insomnia, kasali na rin ang maling pagkain kagaya ng mga pagkaing mataas ang sugar level, caffeine, gluten at polyunsaturated fat. Mayroong rekomendadong pagkain ang mga eksperto upang makatulong upang makatulog ng sapat.

Ang almonds ay mainam na pagkain upang magamot ang  insomnia dahil meron din itong magnesium na  isang muscle relaxant at may anti-stress properties. Isang pag-aaral ang inilathala sa Journal of Research in Medical Sciences noong 2012 napag-alaman na ang magnesium ay nakakatulong laban sa insomnia.  Isa ang saging na nakakatulong rin upang magkaroon ng masarap na tulog at nagbibigay ng  enerhiya sa katawan. Isang mayamang source ng magnesium, potassium at tryptophan ang saging. Tinawag rin itong magic trio bilang sleep boosters. Nakakatulong sa neurotransmitter ang pagkain ng saging lalo pa at marami itong serotonin at melatonin na nakakaganda ng kalidad ng pagtulog. Ang Mix 10 Herbal Coffee ay ang tanging kape na walang caffeine at non-acidic pa. Gawa mula sa natural at herbal na mga sangkap na tiyak na makakatulong sa katawan at magkaroon ng sapat na tulog.

Pinagmulan ng imahe: wallpaperfullscreen