Sore throat,nakadarama ng pananakit ng lalamunan sa tuwing may lulunukin,bad breath,lagnat,raspy voice,masakit na ulo at pamamaga ng leeg at panga ay mga sintomas ng tonsillitis.

Ang tonsilitis ay ang pamamaga ng mga tonsils, dalawang hugis-itlog na tissue sa likod ng lalamunan.Lahat ng tao ay maaring magkaroon niuto ngunit mas karaniwan ito sa mga kabataan.

Mahalagang tandaan na ang tonsilitis ay nakakahawang sakit. Kung hindi makatiwalaan, maaaring humantong sa mga komplikasyon tulad ng impeksyon sa gitna ng tainga, rayuma lagnat at obstructive sleep apnea.Ang sanhi sa sakit na ito ay mga virus at bacteria sa iyong lalamunan.

Mayroong iba’t ibang mga medikal na paggamot at mga remedyo sa bahay na magagamit para sa tonsilitis.

KAraniwang inirerekomenda ng mga eksperto na panggamot ditto ay mga antibiotics o di kaya ay ang operasyon kung saan tatanggalin ang iyong tonsilskung sakaling sobrang lala na ng iyong sakit.

Para naman sa mga mild cases ng tonsillitis may mga maari namang inumin para mawala ang sakit na ito.Gaya na lamang ng lemon juice na nagtataglay ng itamin c na nagpapalaka n gating immune system,honey na superb antimicrobial properties,turmeric at ginger tea na mainam para sa tonsillitis.

 

By:Redchel Montes