Halos 60 na ang naitalang kaso ng Japanese encephalitis sa bansa mula Enero ngayong taon at siyam sa kanila ang namatay. Ano nga ba ang Japanese Encephalitis at paano ito maiiwasan at agapan?

Ayon sa isang Medical Specialist IV na si Dr. Froilan R. Obillo na ang Japanese Encephalitis virus ay isang uri ng infection sa utak na dala ng kagat ng isang uri ng lamok na tinatawag na “Culex” mosquito.

Iba umano ang Culex mosquito sa lamok na carrier ng dengue. Bukod sa ordinaryo lang ang itsura nito, ito rin ay night biting, o umaatake sa gabi mula 7pm hanggang 3am habang ang mga lamok na Aedes aegypti na nagdudulot ng dengue ay day biting.

Kung ang Aedes aegypti ay mahilig sa mga malinis at hindi dumadaloy na tubig para pangitlogan, ang “Culex mosquito na may Japanese Encephalitis virus ay madalas na nasa tubigan gaya ng irigasyon at babuyan.

Kinumpirma ni Obillo na mas delikado ang mga bata sa kagat ng lamok na nasa edad 15 pababa at itinuturing niya na “alarming” ang kaso ng Japenese encephalitis dahil 3 out of 10 umano sa nakakagat ng lamok ay namamatay, at dumadami rin ang insidente.

Ang isang tao na nagkakaroon ng Acute Encephalitis Syndrome ay makararanas ng lagnat na tatagal ng lima hanggang 15 araw mula nang siya ay makagat ng lamok. Maapektuhan nito ang utak at mamamaga, at maaaring magkaroon ng pagbabago sa kaniyang “sensorium,” na magiging dahilan para antukin, disoriented at confused. Kapag malala na ang kaso, maaaring ma-comatose ang pasyente.

Sa ngayon, wala pang gamot sa nasabing sakit pero naghahanap na ang Department of Health ng vaccine at isasama nila sa Expanded Program on Immunization para libre na maibigay sa publiko.

Samantala, dahil sa ang Japanese encephalitis ay dulot ng virus, mahalagang mapalakas ang iyong immune system upang malabanan ang mga pathogens (mga bacteria, virus or microorganism na nagdudulot ng sakit) sa pamamagitan ng Vit C infusion ng Dok Alternatibo.

Direkta na ito sa dugo, at sa iba’t-ibang organs ng katawan kaya’t siguradong protektado ang kabuuan. Maliban sa pampalakas ng immune system, inilalayo ka nito sa mga nakamamatay na sakit.

Para sa kumpletong impormasyon tungkol sa Vit C infusion, puntahan lang ang pinakamalapit na Dok Alternatibo Center sa inyong lugar.