Mga natirang coffee grounds sa tasa ng inyong kape, huwag itapon dahil pwede yang gawing Body Scrub!

Hindi kompleto ang araw kapag hindi nakainom ng kape, lalo na ng Mix 10 Herbal Coffee. Kapag naubos na, huwag mong itapon ang coffee grounds o yung mga natira sa iyong baso na mga sinking fiber dahil yan ay pwedeng gawing coffee scrub para sa healthy skin!

At ang resulta – Nakakapag-exfoliate ito ng balat. Lalo na kapag hinaluan ito ng asin o asukal at honey. Ang kombinasyon na ito ay nagtatanggal ng dead skin, dumi, pawis, at iba pang nakakapit sa iyong balat.

Ang coffee scrub ay may natural compounds na nagbibigay ng nourishment sa balat. Ang problema kasi sa mga nabibiling cosmetics scrub, ay posibleng maging sanhi lamang ng sugat o rashes. Kapag ikaw ang gumawa, sigurado kang walang naihalong delikadong kemikal.

Pinoprotektahan din nito ang balat mula sa Ultraviolet rays ng araw kaya napipigilan ang premature aging.

Nakakapag improve din ito ng blood circulation dahil sa presensya ng caffeine. At kapag maayos ang daloy ng dugo, nakakapag-function ng maayos ang organs, at reresulta naman ito sa magandang balat.

Kaya sa susunod na iinom ka ng Mix 10 Herbal Coffee, huwag kaagad itapon ang mga natirang fiber at coffee grounds dahil magagamit pa yan! Hindi kailangang mahal ang mga pampa-beauty, kailangan lang, resourceful ka.

Para sa iba pang beauty tips, bisita sa www.dokalternatibo.org @ sa facebook page ng Health.primefm. (MN)

Image from: media.indiatimes.in