sea-game-logo-latest

Pinabulaanan ni Commissioner Richie Garcia ng Philippine Sports Commission (PSC) na iboboykot ng bansa ang palaro ng 27th East Asian Games na gaganapin sa Myanmar.

Umugong ang balita na hindi sasali ang Pilipinas dahil tinanggal ng host country ang may isang dosenang laro sa naturang kompetisyon, tulad ng baseball, softball, dance sports, na kumukolekta ang bansa ng mga gintong medalya.

“We decided, as part of the (Southeast Asian Games) federation, to accept whatever the hosts decided,” pagdidiin ni Garcia.

Pinangangambahan ngayon ng mga opisyales ng PSC  ay ang sunod-sunod na bombahan  sa Myanmar na pagdarausan ng games sa Disyembre 11 hanggang 22 na kung saan ay magpapadala ang bansa ng 200 atleta sa kompetisyon.

 

“We are monitoring this very closely. As long as our athletes and officials are not endangering themselves we will take part. But we have to make sure there are no problems when we get there,” Ayon kay Commissioner Richie Garcia ng PSC.

Tatlong sunod na bomba ang sumabog sa bansang Myanmar na nag-iwan ng isang patay at mga sugatan. Ayon sa lokal media ng Myanmar na ang target ng mga pagpasabog ay ang mga tourist spots dahil sa pagtaas ng dumadayong mga turista sa bansa.

Pangunahing concern ng mga opisyales ng palakasan ay ang seguridad ng mga manlalaro at mga game officials.

“Ang Philippine Sports Commission ay gagawa ng pinal na desisyon kung lalahok nga ba ang bansa o hindi sa nasabing palaro sa huling linggo ng Nobyembre” , dagdag pa ni Garcia. “Maaga pa para gumawa ng desisyon ngayon”.