napoles

Hindi raw magsasalita ang tinaguriang “Pork Barrel Scam Queen” na si Janet Lim-Napoles kahit pa raw pilitin siyang paharapin sa Nobyembre 7.

Sinabi ng kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan, na igigiit daw ng kanyang kliyente ang karapatan nitong manahimik at ireserba ang kanyang nalalaman sa pagdinig ng Ombudsman at Sandiganbayan.

Itinanggi naman ng abogada ni Napoles ang akusasyong kinukondisyon nila ang isipan ng publiko ukol sa sakit ni Napoles upang nakaiwas sa senate inquiry kaya ito dinala sa ospital kahapon.

Nito lamang Huwebes ng madaling araw, isinugod sa ospital si matapos umanong sumpungin ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, panghihilo habang nasa Fort Sto. Domingo Detention Facility.

 (Bernard Miñoza)