nat2nt

Pormal nang inihain ng National Bureau of Investigation o (NBI) sa Ombudsman ang asunto hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Kasunod ng paghain ng reklamo ay pag-aaralan naman ito ng Ombudsman at susuriin ang ibang rekord ng kaso. Susunod na hakbang ay aalamin kung i-aangat na ito para sa preliminary investigation o di kaya’y dagdagan pa ang build-up ng kaso.  Kung sakaling kailangan pa ng build-up, tutulong ang Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council (IAAGCC) Task Force para sa karagdagang fact-finding at pagkalap ng ebidensya.

Naka-depende naman ang tagal ng ebalwasyon sa pagka-kumplikado ng kaso.

Samantalang sa ilalim ng tsarter (RA 6770, Sec. 15) ang Ombudsman ang may pangunahing hurisdiksyon nga mga kasong saklaw ng Sandiganbayan, at may awtoridad sa pag-habla ng mga kasong criminal hinggil sa korapsyon, kung mayroong “probable cause” kontra sa mga matataas na opisyal.