Naniniwala ang ilang mga film experts at critics na magiging mahigpit ang labanan ng mga nominadong pelikula, mga aktor at aktres sa nalalapit na 90th Academy Awards o Oscars.

Ayon kay Robert Peaslee isang film expert mula sa Texas Tech University, mahigpit ang labanan ng mga nominado ngayong taon partikular na sa mga kategoryang Best Actress at Best Director.

Nagbigay rin ito ng ilang mga prediksyon sa magaganap na awards night. At malakas naman ang kutob nito na magwawagi ang pelikulang The Shape of Water na may 13 at pinakamaraming nominasyon sa taong ito.

At gaganapin naman ang 90th Academy Awards sa Dolby Theater sa Hollywood, Los Angeles, California ngayong darating na March 4, 2018