271422-north-korea-rocket-launch

Patuloy pa rin umano ang North Korea sa mga rocket engines testing nito.

Ayon sa blog ng School of Advanced International Studies sa John Hopkins University, posibleng sumubok ng long-range rocket engine ang Pyongyang noong nakaraang buwan. Ito’y batay sa mga satellite image na kuha sa Sohae Launch facility sa pagitan ng August 25-30.

Batay sa mga kuhang larawan, mayroong rocket stage, propellant tanks, at nasunog na bahagi ng lupa sa paligid ng launch stand.

Subalit ayon kay Joel Wit, dating North Korean specialist sa US State Department na ngayon ay nasa 38 North, hindi naman ito nagpapahiwatig na maglulunsad ng rocket ang Hilagang Korea sa loob ng anim na buwan.

Patunay lang ito ayon kay Wit na walang balak ang North Korea na baguhin ang missile development nito sa kabila ng mga sanction na ipinapataw ng United Nations at Amerika.