Matapos ang pang-apat na beses na pagbisita ni Pangulong Duterte sa Marawi, nagbabala siya na susunod niyang tutugisin ang New People’s Army sa oras na matapos na ang kinakaharap na krisis ngayon sa Marawi City.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na pokus ngayon ng gobyerno ang problema sa Marawi bago paman lumutas ng panibagong problema. Mas makabubuti din umano na makapagbakasyon muna at makapagpahinga ang tropa ng gobyerno pagkatapos ng bakbakan sa Maute. Sinasabing sa ngayon ay nasa “final battle stage” na ang tropa ng pamahalaan kontra Maute.

Una nang ipinahayag ng Pangulo na hindi siya makikipag-usap sa mga komunista dahil sa kabila ng peace talks ay nagsasagawa pa rin ang mga ito ng mga pag-atake.

Sa kanyang pagbisita naman sa Digos City kamakailan, inalok niya ang mga NPA na tumulong para proteksyunan ang bansa, bilang mga sundalo.