okra-plant

 

Ni: Joy Quijano

Ang okra ay isang kilalang gulay na ipinangsasangkap sa ilang mga lutuin. Ang iba’t ibang bahagi ng okra ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na may benepisyo sa kalusugan.

Ang bunga ng okra ay mayroong pectin, mucilage, fat, tubig, at ash. Mayroon pang protina, lipid, carbohydrate, dietary fiber, sugars at starch. May mineral din ito na calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, sodium, zinc, copper, manganese, selenium. Ang bunga ay may taglay din na bitamina gaya ng vitamin C, thiamin at riboflavin.

Sa dami ng sustansya mula sa okra pwede pa itong gamiting gamot sa sore throat, syphilis, sugat, lagnat, pulmonya at varicose veins. Ang nilagang ugat ng okra ay ginagamit lalo na para sa may rayuma. Ang nilagang bunga ay iniinom rin ng mga nahihirapan sa pag-ihi.

Pinagmulan ng imahe: seedlibrary.org