conchita-carpio-morales

Nagpasalamat ang mga Alternative Medicine Practitioners sa mabilis na aksyon ng Ombudsman sa kasong isinampa laban kay Atty. Roderick Orallo Legal Officer ng Bureau of Internal Revenue Region XI

Matatandaang noong Setyembre 27, nung nakaraan taon ay pumutok ang balita na gumimbal sa business community ng Davao dahil sa kaso ng robbery extortion na isinampa laban kay Orallo, matapos ang entrapment operation na isinagawa ng CIDG Davao City.

Subalit, mga iilang buwan ang nakalipas ay nagtaka ang kampo ni inbentor Edgar L. Delibo dahil parang hindi umuusad ang kasong kriminal kontra kay Orallo sa RTC-Davao.

Sa pamamagitan ni Atty. Gay Maggie F. Bajaladia-Violan, Chief Public Assistance Unit, Graft and Corruption Investigation and Prosecution Officer II, ay umusad na muli ang nasabing kaso ang kasalukuyang sumasailalim ng re-investigation.

“Akoy nananalig na ang hustisya ay mananaig dahil may tiwala ako sa batas ng ating bansa,” ayon kay Delibo.

Sinubaybayan ng buong alternative medicine at business community ang kaso at naging kampante ang mga ito sa proseso dahil na rin sa nakita nito na seryoso ang Pangulong Noynoy Aquino at ang BIR Commissioner kim henares sa pagpapatupad ng mga reporma sa gobyerno.

At masaya ang alternative medicine community dahil sa karampatang ayuda ng ombudsman at sa tuluyang pag-usad ng kaso.

Samantala, umalma ang mga negosyante at mamamayan ng lalawigan ng Davao del Norte sa maagang pagsasara ng opisina ng Bureau of Internal Revenue. Hindi umano sumunod ang nasabing opisina na hanggang alas singko ng hapon ang pagsisilbi nito sa mamamayan na alintuntunin ayon sa Civil Service.

Alas kuwatro pa lamang ng hapon ay tinapos na ang pagsisilbi sa mga mamamayan at isinara na ang nasabing tanggapan

Dahil dito maraming negosyante sa Davao del Norte ang nagalit at hindi nakasunod sa ipinaguutos ng BIR sa pagsasauli ng kanilang mga official receipts na ginagamit sa negosyo, ayon sa BIR Circular 52-2013. Ang kautusang pagpapalit ng resibo ng mga may negosyo.

Ayon sa nasabing Circular may hanggang Oktubre 30 pa ang mga negosyante upang isauli ang kanilang mga lumang resibong hindi nagamit at kumuha o magpagawa ng bagong resibo.

Nananawagan ang mga local na negosyante ng Davao del Norte kay Commissioner Kim Henares, na bigyan ng konsiderasyon ang mga mamamayan na tumatalima sa sa batas na umaga pa lamang ay nakapila na sa mga tanggapan ng BIR.

Samantala, ang mga kawani at opisyales naman ng BIR Bohol ay pinapurihan ng mga local businessmen dahil sa pagbukas ng pintuan nito sa mga may transakyon sa nasabing tanggapan.