Antonio

Sabik na sabik na ibinahagi ni Antonio Magala ang kanyang karanasan sa pitong araw na Rejuvenation Treatment Program sa Prime Hotel, Digos City noong Agosto. Sa loob ng isang linggo si G. Magala at ang kanyang asawa ay nakaranas ng malaking pagbabago hindi lamang sa pisikal kung hindi maging sa kanilang  ispiritwal, emosyonal at mental na aspeto.

“Regular akong nagapapatingin sa company doctor namin sa Meralco bilang empleyado. Noong una palagi akong nakakaranas ng LBM at may bleeding na kapag nagbabawas ako. Ayon sa misis ko may kaibigan kami na nakapagsabi tungkol sa Dok Alternatibo, sabi ko naman sige subukan natin kasi gusto ko rin makapagpahinga. Hindi ako mapakali kasi ang dami-dami nang pumapasok sa isip ko tungkol sa sakit ko. Sinabi rin ng doktor na kailangan ko ng operasyon sa colon. Pero mas pinili ko muna ang alternatibong paraan. Nagdasal kami ni misis kasi kung ano ang gusto ng Diyos ‘yun ang masusunod”.

Sa kanyang pagdating sa Digos kasama ang kanyang maybahay naranasan nila ang pag-aalaga at kaalaman tungkol sa tamang nutrisyon at pangangalaga sa katawan. Kaya naman lubos-lubos ang pasasalamat ni G. Magala  dahil sa Dok Alternatibo Rejuvenation Treatment Program.

“Hindi ko mabilang ang pagbabago eh. Kung sa pagbabago lang baka kulangin ang oras. Ang daming nagbago dahil sa Rejuvenation. Kahit 51 years old na ako marami akong natutunan dito. Una, hindi pala sapat na magdasal ka lang upang gumaling. Kailangan na piliin natin ang tamang pagkain para sa kalusugan. Pangatlong araw ko pa lamang gumaan na ang pakiramdam ko. Na-excite at inspire talaga ako at thank God! Na-enlighten rin ako at mas tumaas ang energy ko. Ang masasabi ko lang sa mga may karamdaman, subukan niyo na ang Dok Alternatibo upang maramdaman niyo rin kung gaano kasaya dito. Sulit na sulit talaga at walang sandaling masasayang.”

Kung nais ninyong maranasan ang TOTOONG KAGALINGAN sali na sa aming Rejuvenation Treatment Program. Tawag lang sa aming mga numero na nakalathala DITO