Kadalasang sinasagip natin ay buhay lamang ng mga tao subalit ang mga opisyal ng California ay kanya-kanyang takbo sa highway mailigtas lamang ang 20 mga manok.
Ang mga ito umano ay nakawala matapos mahulog sa likod ng truck ang hawla nito at ini-tweet pa ng ahensiya ang mga larawan at video ng mga manok sa highway.

May nagtanong pa sa isang tala na kung bakit umano tumatawid sa kalsada ang mga manok? At agad naman itong sinagot ng ahensiya na ayaw nitong maging ‘fast food’ sa isang malawak na daanan ng LA area.

Matagumapay naman na nasagip ng mga opisyal ang 17 mga manok habang nasawi naman ang 3.