volWMF40

Panibagong karangalan na naman ang nakamit ng Pilipinas sa larangan ng bilyar, nang ang Gintong Medalya ay iiuuwi nina Dennis Orcullo at Lee Van Corteza matapos talunin ang kanilang kalaban  sa 2013 World Cup Pool na ginanap sa York Hall, London.

Sa format na race to 10 o sino ang unang makakuha ng sampung panalo. Bumandera agad ang tandem ng Pilipinas sa 2-0, subalit na mabilis naman naitabla ng kalaban sa 2-2. Sa higpit na labanan, ginamit ng pares ang kanilang galing at husay sa preparasyon at control ng bola, para umangat ng 4 na laro sa 7-3 racks. Subalit humabol ang kalaban upang madomina ang limang mesa at umangat sa 8-7 na iskor. Hindi kinabahan ang tandem ng Pilipinas nang magmintis ang kalaban sa ika 16 na mesa at idiretso ang panalo sa 10-8. Ito ang ikatlong beses na nag champion ang Pilipinas sa World Cup Pool.

Umuwi ng magalak sila Orcollo at Corteza bitbit ang $60,000 na premyo at maging ang kanilang tropeo at gintong medalya.