sleeping

Ni: Marylie Noran

Ang matiwasay na pagtulog sa gabi ay inaasam ng marami. Ngunit marami ang nakakaranas ng Insomnia o hirap sa pagtulog na talaga naming nakaka-irita.

May mga bagay lamang umano na kailangang iwasan na kadalasan ay ginagawa natin, ayon sa atikulo mula sa “Quiet Your Mind & Get to Sleep”.

  1. Huwag manatili sa higaan kung hindi ka pa makatulog. Importante umano na iwanan ang higaan ng dalawampung minuto o iwanan ang kwarto. Rekomendado na lumabas ng kwarto at bumalik na lamang kapag inaantok na.

  1. Huwag tumingin sa orasan. Marami ang tumitingin sa orasan at nagbibilang ng tupa para makaramdam ng antok. Wala umanong nagpapatunay na ito ay epektibo.
  2. Hindi rin makakabuti ang paggamit ng laptop. Nagiging sanhi lamang umano ito ng mga hindi kanais-nais na panaginip. Iwasan din ang pakikinig ng musika at paggamit ng cellphone. Siguraduhin din na ang higaan ay komportable .
  3. Huwag pilitin ang sarili kung hindi man makatulog. At mas mabisa kung hihiga sa kama ng parehong oras gabi-gabi upang masanay ang utak at katawan.

Pinagmulan ng imahe: wikipedia