Unti-unti ng nakikilala sa merkado at cosmetic industry ngayon ang activated charcoal dahil sa ilang mga kakayahan nitong pagandahin ang ating katawan. Napag-alaman ni Dr. Joseph Mercola  na ang activated charcoal pala ay hindi bagong trend dahil noong pang 1,500 B.C. ginagmit na ito ng mga Egyptians bilang pang-absorb sa mga masasamang amoy na dala ng sugat.

Ano nga ba ang  Activated Charcoal?

Ito ay hindi katulad ng uling na ginagamit natin para sa p[ag-ihaw ng mg pagkain. Ito ay isang by-product ng kahoy at coconut shells.Ang naturang powder ay walang lasa at walang amoy na may taglay na positive o negative charges, depende sa bilang ng pH level ng solution nito.

Ayon sa site na TabletWise, ginagamit naman ito bilang panggamot pag kontrol, pag-iwas, at pagpapabuti ng mga mga kondisyon at sintomas pagkalason, problema sa apdo sa panahon ng pagbubuntis, pagbaba ng antas ng kolesterol at hangover.

Dagdag naman ni dr. Mercola, kadalasang ginagamit ito sa mga pasyenteng nakakaranas ng drug overdose o poisoning dahil tinatanggal nito ang mga harmful drugs at toxins ng ating katawan.

Maarin rin umanong gamitin ang activated charcoal para sa pagpurify at pagfilter ng inuming tubig dahil may kakayahan itong tanggalin ang mga harmful substance gaya ng chlorine, chloramine, phenol at tannins.

Base sa 2000 British Journal of Clinical Pharmacology article, ang activated charcoal ay maaaring gamiting poison antidote. Inumin lamang ito isang oras matapos mainom ang toxic substsance.

Nakakatulong rin ang activated charcoal sa adrenal gland health at ating kidney cells na mainam para maiwasan ang premature aging.

Maarin rin itong gamitin bilang panggamot sa bloating, diarrhea, bug at snake bites at iba pa.Nakakatulong rin ito na matanggal ang mga fishy odors na sanhi ng isang disorder na tinatawag na trimethylaminuria.

Kung nais mo naman ka-tropa ng ligtas at maasahang ativated charcoal na siguradong walang halong kemikals na makakasira sa katawan, subukan mo ang Activated Charcoal Products ng Dok Alternatibo. Para sa mga beauty conscious na nais maging makinis ang balat at matanggal ang di kaya-ayang amoy ng kili-kili gumamit ka ng Dok F activated Charcoal Soap. Para naman sa mga health conscious na naghahanap ng gamot para sa sakit ng tiyan at diarrhea gumamit ka  ng Dok F Activated charcoal Capsules. Ang Dok F activated Charcoal Powder rin mga ka-tropa ay mainam at maaring gamitin bilang beauty skin care, gamot at maaring ihalo sa iyong pagkain.

By:Redchel Montes