Base sa pag-aaral ni Dr. Joseph Mercola ang drug overdose o lethal overdose ay  nangungunang sanhi ng kamatyan ng mga Amerikano na nasa edad na 50.

Ang lethal overdose ay ang pagsobra sa rekomendadong bilang ng drugs o agents na ibinibigay sa isang tao o hayop na maaring maging sanhi sa kamatayan nito.

Base umano sa preliminary data noong taong 2016, umabot na sa 65,000 katao ang namatay dahil rito kung saan tumaas pa ito ng 19% kada taon.Kabilang umano sa mga synthetic na gamot na kadalasang nagdudulot ng drug overdose ay ang Opioids, narcotic pain killers, at Benzodiazepine.

Aniya,bagama’t tumataas na ang kaso ng mga namamatay dahil sa lethal overdose naisasawalang ahala pa rin ito dahil sa hindi kumpletong report ukol sa isyu at bigo ring matukoy na ang opioid ay isang contributuring factor ng kamatayan.

Ayon pa sa isang eksperto mula sa University of Pittsburgh School of Public Health na si Jeanine Buchanich,kaya umano nagiging mahirap ang pagtukoy kung saang rehiyon ang may talamak na kaso ng drug overdose ito ay dahil sa hindi kumpletong dokumento na susuporta sa naturang isyu.

Kabilang umano sa mga pinakakaraniwang gamot na sangkot sa opioid overdose deaths ay ang methadone isang pain reliever na ginagamit para sa withdrawal symptoms na mga taong addicted sa heroine, oxycodone drugs agya ng OxyContin®-isa ring pain reliever na  karaniwang iniinom sa tuing may arthritis,injuries,cancer at iba pang kondisyon, hydrocodone gaya ng Vicodin® at ang panghuli ay ang fentanyla na kadalasang naabuso ng iilang indibwal.

Ilan pa sa mga side effects ng mga ito ay ang pagkahilo,pagsusuka,constipation,physical dependance, respiratory depression na kapag hindi naagapan maari mo itong ikamatay. By:Redchel Montes