12746154_1037977849591899_46666381_n

Ang paghinga gamit ang bibig habang natutulog ay sanhi ng tooth decay. Ito ay ayon sa pag-aaral ng mga dentistry researchers mula sa University of Otago sa New Zealand. Nai-publish ito sa Journal of Oral Rehabilitation.

Ayon sa mga researchers, tumaas ang bilang ng mga pasyente na nagrereklamo sa kanilang bibig na natutuyo kapag nagigising sila sa umaga.

Diumano, ang mouth breathing o paghinga gamit ang bibig ay nakakapagpapatuyo ng laway. Ang laway ay defense mechanism para makaiwas ang bibig sa pagiging acidic. At ang natutuyong bibig ang dahilan ng pagiging bungal o walang ngipin at tooth decay.

Ang acidity ang nangungunang sanhi kung bakit nasisira ang ngipin. Nadadagdagan naman ito kapag ang isang tao ay mahilig uminom ng mga matatamis na inumin. Noong nakaraang taon, payo rin ng mga health expert na iwasan ang mga inuming may mataas na sugar content dahil sinisira nito ang enamel ng ngipin, na sanhi nga pagiging marupok nito.

Ni: Marylie Noran