drying-dishes-266x400

Ni: Marylie Noran

Ayon sa journal na Mindfulness, mula sa Florida State University researchers, ang paghuhugas ng mga plato ay nakakapagpawala ng stress kapag ito ay ini-enjoy. Kagaya na lamang ng pag-amoy sa ginagamit na sabon, at ang pagiging konektado sa tubig. Sa pamamagitan nito, tumataas ang pakiramdam ng  inspirasyon at pinapababa naman ang nerbiyos. Ngunit sa mga taong bugnutin naman, hindi nila nararamdaman ang naturang benepisyo.

Kinakailangan lamang umano na maging positibo habang naghuhugas ng mga pinggan, baso at plato. Maging masaya dahil nakakagawa pa ng gawaing bahay habang nakatayo sa lababo. Matuwa dahil naamoy pa ang sabon, at hindi pa nawawala ang sense of smell, Sense of Sight at Sense of feelings.

Pinagmulan ng imahe: dailyedge.ie