IMG_6679 edited

Ni: Joy Quijano

Araw-araw, tinatayang dalawang bilyong tasa ng kape ang iniinom ng mga tao sa buong mundo. Nangungunang sektor na mahilig uminom ng kape ay mula sa media at journalism, sumunod naman ang mga pulis, guro, karpintero, medical staff, company executives at maging mga tsuper o driver. Ang kape ay mayaman sa antioxidants at nagpapataas ng adrenaline at enerhiya ng katawan.

Ang Mix 10 Herbal Coffee ay kargado ng fat-dissolving nutrients na mabisa sa mga sobra ang timbang at gustong magpapayat. Meron din itong fiber, calcium, riboflavin, pantohtenic acid at niacin. Makakatulong rin ang pag-inom ng kape upang maiwasan ang dementia kagaya ng Alzheimer’s disease. Sa isang Harvard study napag-alaman na ang mga babaeng umiinom ng kape ay nakakaiwas sa depresyon ng hanggang 20% at nagpapaganda rin ito ng pakiramdam. Paalala ng mga health expert hindi lahat ng kape ay mabuti sa katawan dahil may instant coffee na kargado ng hydrogenated oil at trans fats na sanhi ng sakit sa puso.