fast-food-for-pregnant

Ni: Joy Quijano

Mahalaga ang mga kinakain lalo na kapag buntis. Ayon sa Babycenter.com ang mga prutas at gulay ay kargado ng nutrients at fiber na makakatulong lalo na sa pagdevelop ng utak ng sanggol. Ang lemon at citrus fruits ay magandang pinagkukunan ng vitamin C bilang pampalakas ng immune system, malinaw na paningin at mahalaga rin ang vitamin C sa buto at ngipin ng sanggol. Ang potassium mula sa saging ay makakatulong sa blood pressure at may folic acid din ito para sa brain development ng fetus.

Masustansiya rin ang cherries, grapes, bayabas, papaya, pinya at watermelon. Iwasan ang mga pagkain mula sa fast food dahil may mataas itong calories at sugar na makakasama sa pagbubuntis. Rekomendado ng mga eksperto ang beans kagaya ng garbanzo at kidney beans dahil marami itong iron, folate, calcium at zinc. Para sa sapat na kalusugan ng baby sa tiyan, kumain ng salmon na mayaman sa omega-3 fatty acid. Kapag kumain ng itlog siguraduhin na luto ito dahil ang half-cooked na itlog ay maaaring may salmonella virus. 

pinagmulan ng imahe: http://www.topxsharing.com/fast-food-pregnant-women/