happy-girl-listening-music-540x384

Ni: Marylie Noran

Ang musika ay may epekto sa katawan at pag-iisip. Nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kapayapaan sa sarili.

Ayon sa European Heart Journal, ang musika ay may epekto sa puso. Kagaya na lamang ng pag-iwas sa heart diseases. Kapag ang isang tao ay nakikinig ng musika, tumataas ang heart rate kumpara sa mga taong mahilig sa katahimikan. Sa bawat beat ng musika, rumiresponde ang puso.

Kapag nag-eenjoy tayo sa musika… kahit anong genre pa ito, ay narerelax ang puso.

Ayon sa everydayhealth.com, ang mga taong may sakit sa puso ay mataas ang anxiety level at palpitation. Kapag ang isang tao ay nakikinig ng kanta, maaaring bumaba ang blood pressure. Samantala, nakakapag-release din ng oxytocin ang katawan bilang natural pain reliever.

Kadalasan ang mga taong may heart disease ay depressed. Ang mga ito ay sanhi ng stroke at heart attack. Inirerekomenda ng mga eksperto ang Music Therapy para malabanan ang depresyon.

Pinagmulan ng imahe: flavorwire.com