SleepyJobs_main_0228

Masarap matulog lalo na kung busog pagkatapos mananghalian. Nararanasan ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa opisina. Agad na humihikab kapag busog at naghahanap ng pwesto upang makaidlip. Natural ito na proseso ng katawan na tinatawag na circadian rhythm. Kapag lunchtime nakakaranas ng antok ang ilang tao lalo na kung mabigat sa tiyan ang kinain kagaya ng karne.

Ayon kay Carl Bazil mula sa Columbia University mahalaga ang pisikal na ehersisyo lalo na sa daloy ng dugo sa katawan. Isang simpleng paraan upang malabanan ang antok ay ang pag-akyat sa hagdan sa halip na gumamit ng elevator pwede rin ang paglalakad o pag-iikot sa loob ng gusali o opisina.

Ayon sa isang pag-aaral mula sa University of Toronto ang hindi paggamit ng break tuwing lunchtime ay mauuwi sa fatigue at hindi pagiging isang produktibo sa nalalabing oras ng trabaho.

Payo ng mga eksperto na upang hindi atakihin ng boredom at katamaran sa opisina pwedeng maglagay ng larawan ng inspirasyon kagaya ng larawan ng pamilya o alagang hayop. Uminom ng maraming tubig dahil ayon sa Journal of Nutrition ang kakulangan sa tubig o dehydration ay sanhi ng pagod, pananamlay, at hirap sa konsentrasyon o focus. Ang pakikinig sa musika ay isang therapy rin na maituturing. Ito ang kinumpirma ni Teresa Lesiuk ng University of Miami. Sa isang pag-aaral napag-alaman na mas produktibo ang mga empleyadong nakikinig sa musika.

Kung gusto ng promosyon at pag-unlad sa pinagtatrabahuan kumain ng masustansyang pagkain at pakaiwasan ang fast food dahil marami itong refined grains at sugar na sanhi ng blood sugar spikes at bumababa ang enerhiya ng katawan.

Rekomenedado ng mga dieticians bilang energizer sa katawan ang preskong gulay, sariwang isda at itlog upang hindi makaramdam ng pagod habang nasa trabaho. Makakatulong rin ang hindi pagkain ng marami tuwing pananghalian upang hindi makaramdam ng antok. Isa sa susi ng produktibong pagtatrabaho ay ang sapat na tulog tuwing gabi o oras ng pahinga upang sa pagpasok sa opisina ay alerto ang isip maging ang katawan.

Mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Kaya dapat lamang na pahalagahan ang trabahong nagpapakain sa ating pamilya. Huwag tutulog-tulog upang gising sa pagtanggap ng biyaya. Kaya, gising na!

Pinagmulan ng Imahe: Flow Coacher