Laptop4u06

 

Mga katoto, madalas itong maitanong sa akin. Ano ba ang mga dapat iconsider sa pagbili ng computer. Ating isa isahin ang mga dapat tingnan sa pagpili ng computer na iyong bibilin.

Paggagamitan – Saan ba gagtamitin ang computer na iyong bibilin? Ito ba ay para sa basic na paggawa ng documents o mga office files? Kung basic lang ang iyng pangangailangan, hindi dapat “high end” na computer ang iyong bibilin. Sapat na ang mga nabanggit sa baba para sa isang basic

computer:

    -Core 2 Duo pataas

    -2 Gigabyte na RAM

    -250 – 500 Gigabyte na Hard drive

    -Basic o onboard na graphics card

    -Basic na mother board

    -15-21 inches na LCD o LED monitor (tandaan na mas mahal ang LED)

Kung Gaming computer naman ang paggagamitan, narito ang mga dapat na tingnan sa computer na bibilin mo:

    -Core 2 Duo Pataas

    -4GB na RAM

    -500 GB na Hard drive

    -1 GB na Graphics card

    -Maganda o ung medyo “high end” na mother board

    -Magandang “ventilation” ng computer

    -21 inches na basic o wide screen na monitor

Madami ang naglipana ngayon na nagtitinda ng 2nd hand na computer. Ang pambato nila ay ito daw ay mas mura kesa mga nabibili sa mall. Panigurado nga, ngunit tandaan na ang pyesa ng computer ay may “life span’ o itatagal na buhay lang. ang motherboard ng mga 2nd hand na computer ay karaniwang mabilis masira. Kung nais bumili ng second hand na computer, mabuting isaalang alang ang mga sumusunod:

Saan ginamit ang computer.

 Ano ang modelo ng computer. Malalaman kung ilang taon na ang computer sa modelo nito

Ano ang mga laman ng computer? Maaring pagbasehan ang listahan sa taas kung bibili ng second hand na computer

Gaano katagal ang warranty? Kung ang warranty ay napakaikli lang  (2-3 buwan na warranty) ibig sabihin ay madali itong masira.

Tandaan na ang presyo ay madalig makabulag. Maraming nagbebenta ng “package” daw na unit, ngunit sigurado na ang computer na ito ay mababang uri at hindi tatagal. Mas maganda na tuningin muna sa mga advertisement sa internet bago magdesisyon kung ano ang iyong bibilin na computer.