Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Labor groups sa ika-1 ng Mayo bilang paggunita sa ika-115 ng Labor Day.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito umano ang paraan ng pamahalaan para pakinggan ang mga hinaing ng mga manggagawa hinggil sa kanilang mga trabaho.
Giit pa ni Bello, hindi naman nila pipigilan na magsagawa ng kilos protesta ang mga ito ngunit handa naman silang dinggin ang mga problema ng mga naturang grupo.

Inaasahang mahigit 1,000 mga manggagawa at mga representative mula sa iba’t ibang grupo at sektor ang dadalo sa Mayo uno sa Quezon City memorial Circle.