PDAF_2 (1)

Marami daw paglabag sa Konstitusyon ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang “pork barrel.” Ito ang opinyon ni Most Senior Associate Justice Antonio Carpio sa isang Oral Argument sa supreme court kaugnay sa mga petisyon na ibasura ang Pork Barrel System.

Ayon kay Justice Carpio maraming butas sa batas sa PDAF kaya hindi na kailangan ang special report ng Commission on Audit (COA) na nakatuklas sa katiwalian sa PDAF mula 2007 hanggang 2009.

Sinabi pa ni Carpio na walang batayan sa Saligang Batas ang mga probisyon sa 2013 General Appropriations Act (GAA) kung saan binibigyang kapangyarihan ang Pangulo o Gabinete na mag-re-align ng pondo ng walang approval ng kongreso. Paglabag  aniya  ito  sa separation of powers sa pagitan ng Executive  at Legislative, gayundin sa sistema ng “check and balance” sa dalawang sangay ng pamahalaan. Wala rin umanong batayan sa saligang batas ang mga probisyon sa GAA na nagbibigay ng pribilehiyo sa mga mambabatas na tukuyin ang mga proyekto na puponduhan ng PDAF.

Ani Carpio, sa ilalim ng Saligang Batas, ang buong kongreso lamang ang may kapangyarihan na mag-apruba at magdesisyon sa budget at hindi isang congressman o committee lamang ng Kongreso. Hindi rin maaring ibigay sa isang myembro lamang ng gabinete ang kapangyariahan na i-realign ang pondo dahil ito’y paglabag din sa constitution Nilinaw din niya na ang kanyang opinyon ay hindi kumakatawan sa buong Korte Suprema.