IMG_05112013_140537

BINABALAAN ANG PUBLIKO hinggil sa paggamit ng nakalalasong pestisidyo ng Novartis na monocrotophos, na lubhang delikado sa kalusugan ng tao sakaling sadya o aksidenteng ma-expose dito, ito ay ayon kay AGRI Partylist Representative Delph Gan Lee.

“It is very toxic orally and also by inhalation or absorption through skin.  Early symptoms of poisoning may include excessive sweating, headache, weakness, giddiness, nausea, vomiting, hyper salivation, abdominal cramps, diarrhea, blurred vision and slurred speech,” ayon kay Lee.

Sa mga bansang India, Brazil at Paraguay, ang monocrotophos ang itinuturong dahilan ng pagka-paralisa ng mga bata doon at meron pang mga namatay. At dito sa Pilipinas, maraming gumagamit ng monocrotophos sa Cordillera, na dahilan ng samo’t-saring problema sa kalusugan.

Ipinanawagan din ni Lee na dapat ipagbawal na ng Department of Agriculture (DA)-Fertilizer and Pesticide Autthority ang momocrotophos dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga mamamayan.

Ang monocrotophos ay kemikal na ginagamit upang pamatay ng mga peste sa tanim na bulak (cotton), subalit ginagamit din ito sa citrus, olives, rice, maize, sorghum, sugar cane, sugar beets, peanuts, potatoes, soya beans, vegetables, ibang ornamentals at tobacco.

Kung maaprubahan ang House Bill 2426, makukulong ng limang taon at pagmumultahin ng P1-milyon ang mga mahuhuling magmamanupaktura, mag-aangkat, magpapakalat o magbebenta ng ng monocrotophos. Ayon kay Lee, ang monocrotophos ay isang organophosphorus insecticide na mula sa Ciba-Geigy o kilala ngayong Novartis.