PhilHealth CARES

Binatikos ng Philippine Hospital Association ang garapalang pangmumudmod ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ng mahigit isang milyong pisong bunos sa mga opisyal at empleyado nito.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Hospital Association, dapat daw munang bayaran ng Philhealth ang “delayed payment” sa halos isang daang hospital bago mamahagi ng naglalakihang bunos at allowances sa kanilang mga sarili.

Sa imbestigasyong isinagawa ng Commission On Audit (COA), iginiit ng ahensya na talagang nagkaroon ng kapabayaan ang pamuuan ng Philhealth kung kaya’t hindi pa nakukuha ng mga miyembro nito ang mahigit P250 milyon na reimbursement sana para sa mga gastusin sa panggagamot mula nuong 2007.

Kaya umano mabagal ang reimbursement ng Philhealth ay dahil sa kakulangan ng tao at computer na syang mag-aasikaso at wala rin umanong hakbang na ginagawa ang pamunuan ng Philhealth para resulbahin ang problema sa “unclaimed refund” ng kanilang mga myembro.

(Bernard Miñoza)