Mocha-Uson-as-naked-nun-pictorial-photo

Galit ang simbahang Katoliko sa ginawa ni Mocha sa pictorial at pag pose kasama ang tatlong makikisig na may six pack sa harap. Sino nga ba ang matutuwa?

Susmayorsep! (sabay nag antanda). Ba’t di nga naman mahahigh-blood sina Sister Birling at Sister Maria, e malinaw pa sa sikat ng araw na  pagdapurak sa banal na kasuotan ng alagad ng simbahan ang paggamit bilang costume  sa ginawang pictorial nitong si Mocha…isipin mo na naka abito si Mocha at ang dalawang   moher ay nakabrief lang na bakat ang 1 inch caliber pen gun nila.

Gulantang ang mundo DADANG as in GULANTANG at namumulagat ang mga mata nang makita ng buong mundo ng simbahan ang mga photo still nitong pictorial para sa isang naghuhubad na magazine.

Ano ang ibig sabihin ng representasyon ng mga litratong ito? Partikular na sa mga madre.

Sa mundo ng internet hindi maaaring hindi matunghayan ng mga estudyante lalo na ang mga nag aaral sa paaralang ng simbahan. Sabi nga e gusto mo ng mahusay na edukasyon para sa anak mo as sa eklusibong paaralan mo papapag aralin at yan ang hawak ng simbahan… papaano na nga lang naman…ang magiging takbo ng pagiisip ng bata kung Makita ang mga litratong ito.

Si Maddona ay may mga larawan ding halos ganito na kinondina ng mga simbahan sa ibat ibang bahagi ng mundo…

Isang porno star sa California USA  na Pilipina (anak ng inhenyero at nurse na Pilipino na ipinanganak sa Novaliches) ay may ganito ring litratong (pero siya lang mag isa) na kumalat sa internet…at kinondena rin ng simbahan.

Kung si Mocha ang pag-uusapan… wala… wala… talaga tayong magagawa sa kanya.. dahil pumasok sya sa industriya ng pag-aartista (este paghuhubad)… e puro kahalayan ang ipinamumulat nito sa harap ng kamera… SHE’s INCORRIGIBLE kung hindi maghubad e magpakanyod-kanyod ng sayaw sa gumigiling na kamera (wala na bang ibang talento ito?)… diba nga kung may ilang ulit naging guest sa show ni Willy Revillame yang si Mocha at ang mga studio audience na kalalakihan ay “nawawala” sa sarili?

Kung natatandaan ninyo si DJ MO (ang hari ng tsismis?) na nawala pansamantala sa sirkulasyon ng TSISMISAN (este nasa bakasyon pala sa Amerika) AY NAPAIGTAD SA KANYANG KINAUUPUAN ng tanggapin ang hamon sa kanya ni Mocha… eto ang kuwentong TOTOO:

Dumating sa studio ng istasyon ng radio si Mocha na naka-maong at t-shirt lang at BU (bakat u…ng) upang ma-interview ni DJ MOE (on board si DJ MO) at dahil wala pa syang ningning o hindi pinapansin at dahil na rin sa isyu kung siya ay tunay na babae o transgender o beke. Aba’y hinamon  itong si Mocha kung pwedeng mahawakan ang kanyang boobs… pinatulan ang hamon… Anong nangyari? Dyaran!!! Pinakapa at pinalamas ang dibdib nya live on air kay DJ MO. At SUSMARYUSEP may video cam pa… hindi lang kay DJ MO parin sa RHA RHA BOY na KUKOK… hanapin nyo sa YouTube… pag wala tawagin nyo akong sinungaling.

Hindi ako konserbatibo, pero mukhang nawalan na ng pag-galang ang gumawa o nakaisip ng pictorial na ito gamit ang banal na abito ng madre. Kaya’t TUNAY  AT TAMA  LAMANG NA IKONDENA NG SIMBAHAN.

May karapatan ang bawat isa sa atin. Maging ang mga hayop nga meron, eh ang simbahan pa kaya?

Maging katoliko, protestante, Iglesia ni Kristo, Dating Daan, Kingdom of GOD ni Pastor Quiboloy, lahat ng klaseng organisasyon ay may karapatan, hindi lamang upang ipagtanggol ang kanilang paniniwala kundi ang karapatang pagkondena sa mga ginagawa laban sa kanila at bagay na wala sa tamang direksyon ng matuwid na lipunan.

ANG KARAPATAN MO AY TITIGIL KAPAG ANG KARAPATAN NG ISA AY NAGSIMULA. Ito ay hindi lamang sa tao kundi sa lahat. Maging relihiyon man o hindi… dahil ito ang panuntunan ng mga sibilisadong tao na may respeto sa kapwa. Hindi lamang sa tao, kundi sa organisasyon na may tamang paniniwala, matuwid at moralidad tulad ng mga relihiyon.