Nasungkit ng isang gardenero sa Minnesota ang massive record matapos niyang anihin ang pinakamalaking carrot sa buong mundo.

Ito na ang pangalawang attempt ni Christopher Qualley na nakakuha ng spot sa Guinness World Record Book na may 22.44 pounds o humigit sa 10 kilo na carrot sa kanyang farm sa Otsego.

Ayon kay Qualley, pinakamahalagang aspeto ay ang lupa, itatanim na buto, panahon at swerte na rin para makamit ang record.

Naungusan ng gardener ang dating 20.1 pounds na carrot niya at plano naman niya na magtanim ng record-breaking na kalabasa o kamatis.