women_stomach_ache_compressed

 

Ni: Joy Quijano

Mahalaga ang pagkain para sa katawan. Kailangan ang pagkain upang mabuhay ngunit hindi lahat ng pagkain ay nakakabuti para sa katawan. Ang mga pagkaing may maraming carbohydrates o carbs ay sanhi ng inflammation na maaaring makuha mula sa tinapay, kanin at crackers. Ang unhealthy fats na kagaya ng trans fats mula sa mga candy at pinrosesong karne. Hindi lahat ng gatas ay makakabuti sa katawan dahil ang dairy foods at gatas na may mataas na lactose ay hindi makakabuti sa tiyan.

Nakakasama sa tiyan ang sobrang pagkain ng sibuyas at bawang dahil pwede itong maging sanhi ng kabag. Kapag maselan ang tiyan, iwasan ang mga pagkain at inuming kargado ng artipisyal na pampatamis mula sa 3 in 1 coffee at soft drinks dahil hindi ito madaling maproseso sa tiyan at sanhi ng sobrang hangin sa loob nito. Samantala makakabuti naman sa kalusugan ng tiyan ang mga pagkaing may mataas na lebel ng fiber at antioxidants kagaya ng luntiang gulay, pipino, talong, kamatis at patatas.

Pinagmulang ng imahe: healthyanswers.com