Nagsagawa ng buy bust opeartion kontra ilegal na droga sa Purok Acasia,Brgy. Cogon,Digos City ang City Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni Deputy Station Commander PC Rey Santillan at OIC Commander PSUPT Deozan Almasa kasama ang Provincial Director ng Davao del Sur’s Police Provincial Office na si PSUPT. Samuel Gadingan.

Dahil dito naaresto ang suspek na si Marcos Mier Tandingan alyas “Bebot”,50 anyos,may asawa at residente ng Purok Gemilina,Brgy Cogon,Digos City.

Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang dalawang sachet ng medium size transparent plastic na may white chrystalline na pinaniniwalaang shabu,cash money,wallet at TIN card.

Sa ngayon ay nasa custodiya na ito ng Digos City Police Station para sa maayos na disposisyon.

By:Redchel Montes