puso 2

Marami ang mga kababayan natin ang hindi mahilig kumain ng puso ng saging. Pero alam nyo ba na masarap ang mga recipe nito, pwede itong lutuin sa iba’t-ibang paraan kagaya ng adobo, kilawin, bola-bola, sisig, ginataan, at iba pa. Maliban sa ito’y masarap, marami itong benepisyo sa ating kalusugan kaya huwag itong isnabin kapag nakahain sa hapag kainan.

Ang puso ng saging ay tinatawag na ‘banana bell’ sa Australia, ‘plantain flower ‘sa Sri Lanka, at ‘heart of banana’ sa Ingles.  Subalit kahit ano pa ang itawag dito, hindi natin maikakaila ang maraming ‘health benefits’ na makukuha natin dito.  Ito ay mabisang anti-oxidant na makatulong para maiwasan ang kanser at premature aging o maagang pagtanda at pagkulubot ng mga balat.  Mayaman din ito sa bitamina A, C, E, enerhiya, micronutrients at fiber. Kaya, kung gusto nyo na maging malusog at maiwasan ang sakit na kanser magluto o maghanda ng puso ng saging pra sa inyong mga mahal sa buhay.

Pinagmulan ng imahe: http://www.delmonte.ph/kitchenomics/ingredients/vegetables/banana-heart