Hindi umano nakulong sa Hawaii ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy. Ayon sa spokesperson nito na si Atty. Bobet Torreon, nagkaroon lamang ng random check sa reoplanong sinakyan ng Church leader. Hindi rin umano kay Quiboloy ang libu-libong halaga ng dolyar na nakumpiska dahil pagmamay-ari umano ito ng US citizen na nagngangalang Felina Salinas.

Kinumpirma naman ng abugado na mayroong baril na laman ang eroplano pero gamit umano ito ng mga security personnel ng Church leader. Una nang lumabas ang ulat na nakulong sa Hawaiii si Quiboloy. Gayunman, nagkaroon lamang umano ng paglilinaw at may tinanong lamang ang mga otoridad at pagkatapos ay pinayagan rin itong makaalis.