Ngayong hindi na tututok ang Philippine National Police sa kampanya kontra-droga, ang kampanya kontra riding-in-tandem naman ang tatargetin nito. Sa isang ambush interview sa Senado, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na sisimulan na nilang tugisin sa lalong madaling panahon ang mga suspek na sangkot sa araw-araw na patayan sa mga lansangan sa bansa. Partikular aniya ang mga suspek sa mga kaso ng riding-in-tandem na gabi-gabing kumikitil ng buhay ng tao. Bukod sa riding-in-tandem, target rin ng PNP na paigtingin ang kanilang kampanya upang tuluyang malinis sa mga ‘scalawag cops’ ang kanilang hanay.