sleeping-and-weight-loss

Ni: Joy Quijano

Ang tulog ay ang panahon ng pagpapahinga ng katawan upang magkaroon ng panibagong lakas. Kapag kulang ang katawan ng sapat na pahinga naaapektohan ang utak at mga selyula. Ang sikat na singer na si Mariah Carey ay natutulog ng hanggang labing-limang oras upang maipahinga ang kanyang boses. Kaya naman mahalaga rin na kahit sa ordinaryong araw at gawain ay bigyan ng sapat na pahinga ang katawan.

Narito ang ilang dapat tandaan upang masarap ang tulog at ang paggising. Una, iwasan ang inuming nakakalasing o alcohol bago matulog. Patayin ang ilaw upang mas mahimbing ang pagtulog dahil kapag naka-on ito naaalerto ang neurotransmitters sa utak at nagiging aktibo, pwede kang magising bigla kapag maliwanag ang paligid. Ang regular exercise ay nagpapaganda ng kalidad ng tulog. Iwasan ang matatamis na pagkain. Tandaan na kapag tama ang ginagawa at kinakain mas madali at mahimbing ang pagtulog.

Pinagmulan ng imahe: askfitnesscoach