12736413_1042015185854832_253974778_n

Nasa dagat ang halos lahat ng source ng iodine na kailangan ng katawan na mahalaga para sa malusog na thyroid  gland. Matagal ng ginagamit ng nga Tsino ang seaweed upang gamutin ang goiter o paglaki ng thyroid gland. Isa sa karaniwang sakit ngayon ang thyroid disease at isa sa bawat 20 tao sa United Kingdom ang apektado nito. Kadalasan sa mga apektado ng goiter ay mga babae.  Ang mga sintomas nito  ay fatigue, depression, tumataas na timbang o weight gain, insomnia, dry skin, at numinipis na buhok.

Mainam na source ng iodine ang seafood na kagaya ng isda lalo na ang seaweed dahil meron itong calcium, phosphorus, magnesium, selenium, manganese at iron. Ang mineral content ng seaweed ay 10 times higher kumpara sa mga halaman na tumutubo sa lupa. Mas mabuting source ng iron ang seaweeds kumpara sa spinach at egg yolks. Dagdag pa dito, sa bawat 100 grams na seaweeds ay merong 2 milligram na magnesium. Ang Dok F Magnesium Ascorbate with Dok F Fulvic Mineral ay gawa mula mismo sa seaweeds.

Ni: Joy Quijano