Kung minsan ay pinandidirihan ang lasa ng Cucumber o mas kilala bilang Pipino lalo na ng mga hindi mahilig sa gulay at prutas. Malakas kasi ang aroma nito at lasa, subalit maraming naibibigay na benepisyo ang pipino.

“Cucumis sativus” ang scientific name ng pipino, nagmula ito sa gumagapang na halaman na karaniwang tumutubo sa maiinit na lugar sa mundo kabilang na ang Pilipinas. Ang pahaba, malaman, makatas at berdeng bunga ay paborito ng marami at karaniwang pinepreserba (pickled).  May maliliit itong bulaklak na kulay dilaw.

Kilala ang pipino bilang isa sa mga pinakamahusay na pagkain para sa pangkalahatang kalusugan ng iyong katawan, kadalasang tinutukoy bilang isang super-food. Naglalaman din ito ng maraming vitamins at minerals na kung saan mainam para sa pagluluto at meryenda.

95% water ang pipino na kung saan pinapanatili ang katawan na hydrated habang tinutulongan nitong alisin ang mga toxin. Pinapabuti din nito ang joint health sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga connective tissues dahil sa taglay nitong silica. Siksik din ang pipino sa vitamin A, B1, B6, C, D, Folate at Calcium maging Magnesium, at Potassium na kapaki-pakinabang para sa pagsasaayos ng presyon ng dugo.

Dahil ang pipino ay may mababang calorie at mataas na water content, nagiging perpektong diyeta ito para sa mga taong gustong magbawas ng timbang. At dahil rin sa presensiya ng mga vitamins at minerals sa pipino natutulongan nitong pangalagaan ang balat. Maaari ring malunasan ang balat na may sunburn o windburn.

Malaking tulong din ang pipino para sa mga taong may problema sa ngipin at gilagid lalo na sa kaso ng pyorrhea dahil sa taglay nitong dietary fiber. Pinapatay naman ng phytochemicals ng nasa pipino ang mga bacteria sa bibig na siyang sanhi ng bad breath. Nakakatulong din ang silicon at sulphur na taglay nito para sa malusog na pagtubo ng buhok.

Samantala sa isang pananaliksik may kaugnayan ang pipino sa pagbaba ng panganib ng ilang uri ng cancer kabilang na dito ang breast cancer, prostate cancer, uterine cancer at ovarian cancer.

Napaka-amazing naman talaga ng pipino, pero amazing at healthy din ba ang katawan mo? O baka naman nagtitiis ka na sa malubhang karamdaman?

Wag ng magtiis sa mga gamot na hindi naman nakakatulong sa iyo, komonsulta agad sa eksperto sa natural na kagalingan upang ang lunas ay swak na swak sa iyong karamdaman at itoy matuldukan.

Sa Dok Alternatibo, hangad namin ang inyong kagalingan kaya naman wag ng magpahuli at makiisa sa milyong Pilipinong gumaling na at nakalaya sa malubhang karamdaman.

Mamuhay ng walang sakit, paano? Puntahan ang pinakamalapit na Dok Alternatibo Center sa inyong lugar.