IMG_2752

Ni: Marylie Noran

Kadalasan ng ginagawang pampa-anghang ang sili, at isinasama sa iba’t ibang putahe at lutuin.

Capcaicin ang tawag sa kemikal na nagpapa-anghang sa mga sili. At ayon sa mga eksperto, dito rin nagmumula ang kanilang sustansya. Ang Capcaicin ay may carrotinoids at phenolic acids mga uri ng pythochemicals na mabisang panlaban sa Cancer.

Mayaman din ito sa Vitamin C na pampatibay ng ating immune system. Kumpara sa isang orange na may 70mg na vitamin C, ang isang sili ay may 140mg. Mataas din ang potassium content nito na siyang pangontra sa highblood.

Ang sili ay kabilang sa Dok Alternatibo formula na bahagi naman ng 7 days cleansing program kasama ang iba’t ibang herbal medicines. At dahil napakaraming benepisyo ng sili sa katawan. Nararapat lamang daw na tawagin itong “healing food”.

Ayon kay Emil Aligui, Research epidemiologist, nakakapagpaganda ng daloy ng dugo ang sili. Payo ng mga eksperto na huwag iwasan ang sili, dahil parte narin ito ng kulturang Pinoy. At hindi lamang basta-basta pampalasa, kundi gamot narin sa ating mga karamdaman.

 Image Source: Manila Market