edited-init

Ang pagbabad sa sikat ng araw sa umaga ay ang mabisang pinagkukunan ng vitamin D na nakakabuti sa ating katawan. Gayunman, ang katamtamang init sa loob ng bahay lalo na pag pinagpawisan dahil sa paggawa ng mga gawaing bahay ay hindi nakakabahala. Pero alam nyo ba na ang sobrang init ay nakakamatay?

Ayon sa report ng Occupational Safety at Health Administration noong 2014, 2,630 na mga sakit ay sanhi ng sobrang init tulad ng rhabdomyolysis, heat cramps, heat exhaustion at heat stroke. Ayon naman sa Central for Disease Control and Prevention (CDC), 658 na tao ang namamatay sa US bawat taon sanhi ng sobrang init. Dagdag pa nito, pitumpong porsiyento ang namamatay sa loob ng bahay at karamihan sa kanila ay mag-isang naninirahan lamang.

Samantala, maraming salik o dahilan ang pagkamatay sa sobrang init kagaya ng kapaligiran, trabaho at pahinga, o ang nutrisyon. Kadalasan sa naaapektuhan nito ay matatanda, may high blood pressure, o nag-eehersisyo ng matagal sa sikat ng araw. Payo ng mga eksperto mas maiging mag-ingat sa mataas na temperatura kapag gumagawa ng outdoor activities. Mas mainam din na may air condition o electric fan sa loob ng bahay lalo na pag tag-init.

Ugaliin din ang pag-inom ng maraming tubig na may patak na Fulvic Mineral upang maiwasan ang dehydration. Iwasan ang caffeinated drinks, alcohol, at heavy meals. Huwag ding magbabad sa init ng araw upang maiwasan ang heat stroke. Magsuot ng komportableng damit at magpahinga sa malamig na lugar. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kalusugan bisitahin ang Dok Alternatibo branch malapit sa inyong lugar.