Naniniwala ba kayo sa mga sabi-sabing ang sobrang kasiyahan ay nakamamatay?

 

Base sa mga bagong labas na pag aaral ng mga siyentipiko ang sobrang kaligayahan ay nakakapagdulot rin ng heart attack.

 

Mattandaang kahapon lang ay naire na na ang sobrang kalungkutan ay nakapagdudulot ng heart attack.Base sa mga pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto nakakapagpapahina rin n gating puso ang sobrang kaligayahan na tinatawag ng mga scientists na Happy Heart Syndrome. Ang emotional distress ay nagreresulta sa overstimulation ng sympathetic nervous sytem at withdrawal ng parasympathetic system na nagreresulta sa abnormal na heart rhytm.

Ang sobrang kasiyahan ay nagpapalobo n gating puso na nagpapahirap sa ating huminga na maaring humantong sa nakamamatay na heart attack.

 

Ang happy heart syndrome ay may katulad na sintomas ng broken heart syndrome at kabilang rin ito sa tinatawag na Takotsubo Syndrome.

 

Ang takotsubo syndrome o TTS ay mula sa Japanese octupos trap na kahawig ng hugis ng left ventricle ngĀ  ating puso.Nadiagnosed noong taon 1990 na karaniwang nangyayari sa mga taong malungkutin bunsod ng namatayan ng mahal sa buhay,breakdown ng relasyon.

 

Ilang taon matapos ang pag-aaral na ito napag-alaman ng mga eksperto na 20 sa 1,750 patients na nadiagnosed sa TTS ay nagkaroon ng heart damage dahil sa sobrang kaligayahan dulot ng mga masasayang okasyon gaya ng birthday,kasal,surprise celebration at iba pa.

 

Ayon sa mga eksperto mula sa University Hospital Zurich in Switzerland ang TTS ay hindi na lamang umiikot sa broken heart syndrome sapagkat maari ring magkaroon ng heart attack ang isang taong nasobrahan sa kaligayahan na maaring ikasawi nito.

Sa ngayon patuloy pag nagsasagwa ng pag aaral ng mga eksperto tungkol sa TTS kung talaga nga bang may koneksyon ito sa psychological stimuli, utak, at cardiovascular system.

By:Redchel Montes