Tuwing mainit ang panahon, masarap ang swimming, kasama ang mga barkada at pamilya. Pampawala kasi ito ng stress at in na in ito tuwing Summer.

Malaki ang naitutulong ng paglangoy sa ating kalusugan. Ika nga, ito ay isang all-around exercise! Ang palagiang paglangoy ay nakakapagpababa ng tsansa ng pagkakaroon ng chronic diseases kagaya ng sakit sa puso, Stroke, at Diabetes, lalo na kapag araw-araw ay nags-swimming ng 30 minutes. Bumibilis ang tibok ng puso kapag ikaw ay lumalangoy kaya nakakapawi ito ng stress. Nakakapag-build din ito ng endurance, muscle strength at cardiovascular fitness.

Sa pamamagitan din ng reacreational activity na ito ay namimintina ang tamang timbang, malusog na puso at baga. Higit sa lahat, nakakapagpa-relax. Napakagandang aktibidad para magpalamig sa napakainit na panahon.

Saktong-sakto ! Bubuksan na ang Dok A Hot and Cold Tech Resort, bukas (Abril 8)! Sa loob nito , may Luxury Pool at Therapeutic Pools. Very good venue para sa iba’t ibang selebrasyon. May native Filipino dishes at bottomless coffee. May masahe din gamit ang natural, botanical, at organic oils at linement.  Pwede rin itong gawing venue para sa anniversary, kasal, binyag, birthday at iba pa.

READ: Opening of Dok A Hot and Cold REsort

Syempre, kakaiba dahil mayroong Fulvic Mineral Bath, Charcoal Bath na mabuti para sa mga may Arthritis. Asahan na rin na magkakaroon ng Music, Hydro at Aromatherapy. Ipinagmamalaki ni CEO Dok Ed Delibo na ito ang pinakaunang healing haven sa buong bansa. Aniya, kailangan ding ipahinga at i-relax ang katawan dahil deserving ang lahat na mag-enjoy sa buhay.

Ang Dok A Hot and Cold Tech Resort ay matatagpuan sa Brgy. Tiguman, Digos City, Davao del Sur.