11138522_188495478157399_8991031010239272149_n

Ni: Joy Quijano

Kadalasan tumutubo ang tagyawat o pimples sa mukha at sa likurang bahagi ng katawan ngunit minsan nagkakaroon rin ng pimples ang pribadong parte ng mga babae. Sanhi ito ng bacterial infection dahil mamasa-masa ang bahaging ito na gustong-gusto naman ng bacteria. Kaya naman upang maiwasan ang pagtubo ng pimples sa maselang bahagi ng katawan mahalaga na panatilihin itong malinis at tuyo. Iwasan ang paggamit ng sabon na may matapang na sangkap, iwasan rin ang paggamit ng detergent o laundry soap sa ari.

Ayon kay Dok Elizabeth Tabada sa programang Prime Solutions (Prime Fm. 106.3) makakatulong ang pagsusuot ng panty na gawa mula sa cotton at kailangan na komportable ang nararamdaman. Rekomendado rin ang paghugas sa ari gamit ang maligamgam na tubig. Uminom ng maraming tubig na may Fulvic Mineral at iwasan ang inuming may alcohol at caffeine.