^EA62D9AEEBCF69D517DBCDA9D8D30AAF7DE7ABF499D17C73EE^pimgpsh_fullsize_distr

Ni Joy Quijano

Matagal nang pinaniniwalaan na makakatulong laban sa ubo ang pinaghalong honey at lemon. Ayon sa Mayo Clinic sa  kanilang pag-aaral, ang mga batang may edad na dalawang taon na may problema sa upper respiratory tract ay pinainom ng dalawang teaspoon ng honey bago matulog upang maiwasan pag-ubo tuwing gabi at makakatulong din ito upang makatulog nang mabuti.

Napatunayan na rin ng mga eksperto na ang simpleng cough suppressant ingredient na dextromethorpan ay isang tipikal na over-the-counter dose ngunit mas abot-kaya at mas ligtas ang kombinasyon ng honey at lemon. Ang honey ay may amino acids, enzymes at antioxidants habang ang lemon ay mayaman sa vitamin C at pythochemicals. Hindi pwede ang honey at lemon mixture para sa mga batang may edad isang taon pababa. Ang Dok F Wild Honey ay merong kompletong nutrients upang makatulong sa kalusugan lalo na para sa mga bata na may ubo at sipon.