Madami sa atin ang may kamag-anak, kapatid o kaibigan sa abroad. Upang sila ay makausap, marami pa din sa atin ang gumagamit ng tradisyunal na paraan gaya ng pagsulat gamit ang koreo at pagtawag gamit ang telepono. Ngunit ang makabagong teknolohiya ngayon ay nagbibigay sa atin ng ibat ibang paraan para maging up to date tayo sa nangyayari sa ating mga minamahal. Sa pamamagitan ng internet, computer o cellphone, maaari mo ng makausap ang iyong kamaganak o kaibigan sa abroad kahit anong oras. Ngunit makakatipid kaya tayo sa ganitong makabagong paraan? Ang sagot: Oo. Paano? Ating isa-isahin kung paano…

Alam mo ba na may libreng mga aplikasyon o programa na pwede mong iinstall o ilagay sa iyong cellphone o computer para makatawag abroad? Ilan sa mga ito ang Skype, Viber, Yahoo Messenger, Google Talk atbp. Upang makalibre, dapat ang iyong tinatawagan ay may internet din at mayroon kaparehong aplikasyon sa kanilang computer o cellphone upang ang tawag ay libre.

Wala akong computer o cellphone na pwedeng paglagyan ng aplikasyon na nabanggit, paano ako makakatipid? Kung may malapit na computer shop sa lugar nio, maaari kayong makigamit doon. Sa halagang 15 pesos isang oras, maaari mo ng makausap ang iyong minamahal abroad.

Hindi marunong gumamit ang kamaganak ko sa abroad dahil sila ay matanda na. Maari kang mag subscribe sa ng tinatawag na VoIP service kung saan mas mura ang bayad per minute pag tumawag ka abroad. Isang halimabawa nito ay Skype kung saan, maaari kang bumili sa kanila ng kung tawagin ay “credit” o sa pinoy, mas pamilyar tayo sa terminolohiyang “load”. Kung ang iyong Skype account ay may “credit” o “load” pwede ka nga tumawag sa iyong minamahal ng mas mababa ang iyong babayaran  “call charge’ kesa gumamit ng tradisyunal na telepono o cellphone.

Kailangan ba na mabilis ang internet? Maganda kung mabilis ang iyong internet ngunit hindi naman kailangan. Gagana ito kahit hindi masyado itong mabilis ngunit magkakaroon lang ng problema kung ang iyong tawag ay may video.

Ano ang video calling? Ito ay isang uri ng tawag na kung san nakikita mo ang kausap mo. Kung ikaw ay may cellphone na may camera sa harap o kung ikaw ay may computer at computer camera, maari mong gamitin ang video calling.

May iba pa bang benipisyo ang pag gamit ng computer at internet sa pagkontak sa mga kamag-anak ko sa abroad? Madami! Una, kung sila ay may nabanggit na aplikasyon (gaya ng skype, google talk) sa kanilang cellphone, madali kang makakapagiwan ng mensahe sa kanila na para ka lang nagpadala ng text. Pangalawa, sa video calling, makikita mo ng personal ang kausap mo, pangatlo, mas masaya at mahaba ang inyong kwentuhan dahil, libre o mura ang tawag at nakikita mo nio pa ang isat isa. Panghuli, Para lang kayong nasa isang lugar habang naguusap.

Sana ay nakatulong sa inyo ang article na ito. Kung kayo ay may katanungan o nais ikonsulta tungkol sa inyong mga gadgets, computers o sa article na ito, maari kayong magpadala ng email sa teki.kaba@gmail.com.