Hindi pa tiyak na makakapaglaro ang TNT KaTropa forward na si Troy Rosario sa pangalawang round ng FIBA World Cup qualifiers sa Pebrero 22 sa Australia at 25 naman dito sa bansa.
Ito ay matapos ng kanyang matinding pagkakabagsak ilang linggo na ang nakakalipas sa laban nila noon ng Phoenix Fuel Masters.

Ayon nito na nagbigay na ng go-signal ang kaniyang doctor na makapag-ensayo.

Sa ngayon ay sinuri pang mabuti ang kaniyang kalagayan upang malaman ang resulta kung magiging kabilang ba ito sa national squad