HEALTH: Turmeric, hindi lang para sa mga may Arthritis; magagamit din para sa beautiful skin!

Napakaraming ingredients sa pagluluto na nagagamit din bilang beauty regimen. Isa na rito ang kamatis para maging makinis ang balat. May isa pang home ingredient na pwede nating gamitin! Ito ang Turmeric o luyang dilaw.

Ayon sa website ng Wellnessbin.com, ang Turmeric ay nakakapagpa-puti. Kailangan lamang ihalo ang isng kutsara ng turmeric powder sa lemon juice, at honey. Ang mga pinaghalong ingredients na ito ay pwedeng ilagay sa mukha at sa leeg hanggang kalahating oras bago banlawan. Nakakapag-exfoliate ito ng balat habang pinapababa ang melanin production para hindi umitim.

Pwede ring ihalo ang turmeric powder sa hinog na papaya. Ito ay para naman sa glowing skin. Ang papaya ay nakakapagpalambot ng balat. Samantala, ang curcumin mula sa Turmerc ay nagtatanggal ng mga blemishes. Ihalo lamang ang dalawa, at ilagay sa mukha for 25 minutes, saka banlawan.

Para naman sa nakakaranas ng oily skin, ihalo lamang ang turmeric powder, orange peel powder, lemon juice at yogurt. Ipahid sa mukha at pabayaan ito hanggang 20 minutes.

Ito ay iilan lamang sa mga mixture na maaaring gawing cream sa mukha, sa murang halaga.

Para naman sa naiinis na sa Acne, pinakamabisa ang Activated Charcoal. Ang acne kasi o tigyawat ay nangangahulugan na napakaraming toxins sa katawan na hindi nailalabas. Hindi lang ito lumalabas sa mukha, kundi pati na sa likod. Kapag may acne sa likurang bahagi, marahil ay may body odor din!

Ayon kay Dok Ed Delibo, ang magandang solusyon sa mga nakakaranas ng acne ay internal cleansing. Dahil kung marumi ang loob ng katawan, babalik-balik pa rin ang Acne. Inirerekomenda ni Dok Ed ang pitong araw na Cleansing at detoxification, na maaaring matutunan sa Dok Alternatibo centers.

Pangalawang inirerekomenda ni Dok Ed ay ang pagtampisaw sa Activated Charcoal Swimming Pool. Dito, na-dedetoxify na ang iyong katawan habang ikaw ay nagre-relax at nag-eenjoy.

Ngayong araw na nga ang opening ng Dok A Hot and Cold Tech Resort, dito sa loob ng Prime Complex, Brgy. Tiguman, Digos City. Ito ay para na rin sa mga health conscious at sa mga gustong mag-relax, mag-enjoy at malayo sa stress.

For more information, visit our facebook page, dokalternatibo.org

READ: The wonders of Turmeric.